NAKAAMBA ang balasahan sa mga empleyado ng Bureau of Customs (BoC) sa susunod na linggo.
Bagama’t hindi pa direktang kinumpirma ni BoC Commissioner Ruffy Biazon, magkakaroon ng re-shuffle sa mga empleyado ng BoC. Sinabi nito na walang dapat ikatakot ang mga empleyado kung magkakaroon ng re-shuffle dahil ang pagkakalipat nila ay isang panibagong oportunidad na kanilang haharapin.
“I don’t know if transfer is a death sentence but opportunity to do their best,” ayon kay Biazon
Payo pa ni Biazon na walang dapat gawin ang mga empleyado kundi gawin nila ang kanilang mga trabaho.
Kumalat ang isyu ng re-shuffle sa mga empleyado sa susunod na Linggo kung saan babalik si Biazon mula sa kanyang pagdalo sa Annual World Custom Administration Conference sa Brussels, Belgium mula June 25-28.
Pakay sa pagdalo ni Biazon sa naturang conference ang isyu ng law enforcement, counter smuggling, international cooperation at information gathering.
Makatutulong din ang kanyang pagdalo sa magandang ugnayan ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa.
Tinukoy rin ni Biazon sa Kapihan ang bagong repormang isasagawa sa kanyang tanggapan kabilang ang “modernization” at ang pagpasa ng Modern Customs Act sa darating na pagbubukas ng Congress.
The post Balasahan sa BOC, nakaamba appeared first on Remate.