Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

2 police inspector, kritikal sa bala

$
0
0

KRITIKAL ang lagay ng dalawang opisyal na pulis matapos itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang riding-in-tandem  noong nakalipas na Linggo sa Brgy. Northbay Boulevard South, Navotas City.

Inoobserbahan sa  Tondo Medical Center si P/Insp Eljay Jacobe habang si P/Insp. Dave Garcia ay nakaratay at ginagamot sa Camp Crame hospital sanhi ng tig-dalawang tama ng bala ng 9mm pistol caliber sa likod na tumagos sa kanilang harapan.

Nabatid ang mga biktima ay kapwa   nasa schooling status sa Camp Guillermo Nacar Philippine Public Safety  sa Laguna City.

Mabilis namang tumakas ang dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng get away motorsiklo na hindi pa naplakahan.

Sa ulat ni  Sr. Supt. Conrado Gongon,  hepe ng Navotas pulis kay Chief Supt. Joel Ma. Alvarez director ng Northern Police District,  dakong ala-1:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Honorio Lopez tapat ng East West Bank sa nasabing barangay.

Nauna rito,  hahango sana ng mga alimango at isda sa fishport ang mga biktima  sakay ng kanilang motorsiklo na minamaneho naman  ni Jacobe at pagsapit nito sa tapat ng nasabing bangko dito na sila binaril nang malapitan ng dalawang beses mula sa kanilang likuran na unang  tinamaan si Garcia at tumagos naman sa katawan ni Jacobe

Nabatid  naka-passes lamang ang mga nasabing opisyal sa kanilang training camp para magsadya sa nasabing fishport at  humango ng isda.

Nakarekober ang mga awtoridad  ng dalawang empty shell ng 9mm pistol na ginamit ng mga suspek.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa nasabing insidente.

The post 2 police inspector, kritikal sa bala appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>