LUMAGDA sa isang settlement agreement sa mga Ampatuan ang mga kaanak ng hindi bababa sa 14 na biktima ng Maguindanao massacre.
Kinumpirma ito ng isa sa abogado ng ilan sa mga biktima na si Atty. Harry Roque na aminadong nagulat din sa nalaman.
Apat kasi aniya sa kanyang mga kliyente ang pumirma sa kasunduan.
“This is why we’re going to Maguindanao on Wednesday to take their narration of events,” ani Roque.
Ayon kay Roque, pinirmahan ang kasunduan noong Pebrero ngunit hindi nabigyan ng kopya ang mga pamilya ng biktima.
“Then two weeks after, the negotiator was reportedly killed.”
Laman umano ng kasunduan ang isang waiver at pagtanggi sa karapatan sa krimen kung saan itinuturo pa umano nito ang sisi sa asawa ng isa mga biktima na si Governor Esmael Mangudadatu.
Ang mga ganitong ulat ang nagtulak, aniya, sa kanilang dalhin na sa United Nations Human Rights Committee ang kanilang hinaing sa kaso. Bigo kasi umano ang gobyerno ng Pilipinas na kilalanin ang mga karapatan ng mga biktima sa remedyo tulad ng nakasaad sa batas at kompensasyon.
Nitong Linggo, Hunyo 23 ang ika-43 buwang aniberasyo ng Maguindanao massacre.
Hiwalay aniyang usapin ang pagbibigay kompensasyon sa mga biktima sa civil damages na maaaring ihatol ng korte sa mga mapapatunayang salarin.
“The compensation that is due to the victims is because it is the state itself that breached its obligation to protect and promote the right of the victims to live. This includes not just monetary compensation, but also all that may be required to restore the emotional and psychological well- being of the victims,” dagdag ni Roque.
The post Kaanak ng Maguindanao massacre victims, nakipagkasundo sa Ampatuan appeared first on Remate.