Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bangkay ng babae sa Aklan, biktima ng palpak na abortion

$
0
0

PINANINIWALAANG biktima ng isang palpak na abortion ang babae na ang bangkay ay inilibing sa mga kakayuhan sa Aklan upang itago ang krimen.

Kaninang umaga lamang (Hunyo 23) nang matagpuan sa Barangay Agbaeogo, Makato, Aklan ng isang mangangahoy na hindi nakuha ang pangalan ang naaagnas na bangkay ng biktimang si Leah Lee Cipriano, 26-anyos, residente ng Barangay Estancia, Aklan.

Lalo namang lumakas ang hinala ng pulisya na abortion ang ikinatay ng biktima dahil kasamang narekober sa loob ng kulay brown na bag nito ay ang isang pregnacy test kit at mga gamot na pampalaglag ng bata sa sinapupunan.

Bukod pa rito, itinali rin na parang baboy ang kamay at paa at maging ang leeg nito at hanggang sa may baywang ng biktima bago isinilid sa sako at saka ihinalo sa mga kakayuhan sa nasabing barangay.

Ayon naman sa kapatid ng biktima na si Shiela Cipriano, may dalang pera ang kanyang kapatid na nagkakahalaga ng P200,000 nang ito ay mawala.

Hindi naman nabanggit kung para saan gatgamitin ng biktima ang nasabing halaga ng pera.

Positibo namang kinilala ang biktima ng mismong nanay nito dahil na rin sa kasuotan nito nang huli itong umalis  sa kanilang bahay noong pang huling araw ng Mayo.

Isinailalim na ngayon sa awtopsya ang bangkay ng biktima upang matukoy kung ano ang ikinamatay nito at malaman na rin kung ito ay nagdadalantao o nagpatanggal ng bata sa sinapupunan o nagpa-abort kaya ito namatay.

Dalawang tao lamang ang tinutukan ngayon ng Aklan PNP na posibleg may kinalaman sa krimen  at ang isa ay nobyo ng biktima at ang kinontak na abortionist nito.

The post Bangkay ng babae sa Aklan, biktima ng palpak na abortion appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


Pilipinolohiya ni Dr. Prospero Covar


KANTOT


2 court employees, dedbol sa ambush


8-anyos ginahasa ng manyak na binata


Factory worker nanlaban sa holdap patay


Example ng Tula Tungkol sa Pulitika sa Pilipinas


Sa Lupa ng Sariling Bayan


ANDRES BONIFACIO, Buhay at Gawa--Isang Interpretasyon at Pagpapahalaga ni E....


IYOT


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


DUTERTE'S LOGOMACHIA: LES DAMNES DE LA TERRE STRIKES BACK


Negosyante, nahulihan ng shabu sa hotel


Lola pinatay saka pinagnakawan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Dr. Prospero R. Covar, Tagapagtatag ng Pilipinolohiya


Luha Ng Buwaya


Mga kasabihan at paliwanag


DIPLOMASYA


Halimbawa ng Tula na may Sukat at Tugma


Anak ginahasa ng sariling tatay



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>