BALIK na sa normal ngayon ang trabaho ng mga Pinoy workers sa bansang Singapore matapos na bumaba ang kapal ng usok na ilang araw nang nakakaperwisyo doon.
Napag-alaman na bumaba na sa 139 pounds per square inch o (psi) ang kapal ng usok na dating umabot sa pinakamataas na 401 psi kahapon.
Natutuwa umano ang mga Pinoy doon na kahit papaano’y bahagyang napawi at numipis ang usok sa naturang bansa.
Bunsod nito, balik trabaho na ang mga nagtatrabaho sa opisina maging ang mga sa konstruksyon na pinahinto muna ng ministry of power ng ilang araw.
Umaasa na lamang sila ngayon at sa mga susunod na araw na umulan para sa tuluyang magnipis ang usok.
Kaugnay nito, maayos naman ang kalagayan ng mga Pilipino doon at walang dapat ipag-alala ang mga kamag-anak dito sa Pilipinas.
The post Trabaho ng mga Pinoy workers sa bansang Singapore, balik normal na appeared first on Remate.