Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Red Lions muntik sa Blazers

$
0
0

NAITAKAS ng defending champion San Beda College Red Lions ang manipis na 71-70 panalo laban sa host school College of Saint Benilde Blazers kahapon sa pagbubukas ng 89th NCAA seniors basketball competition sa MOA Arena.

Nasipat ni Rome Dela Rosa si Arthur Dela Cruz na libre kaya naman ipinasa ng una ang bola sa huli para sa isang alley-oop shot at masungkit agad ng Red Lions at ni coach Boyet Fernandez ang unang panalo sa season na ito.

Hawak ng Blazers ang manibela, 70-69 matapos isalpak ni Jose Saavedra ang tres may 4.7 segundo na lamang sa fourth canto.

Si Dela Rosa na anak ng dating PBA player na si Romy ang nag-inbound kay Dela Cruz na anak din ng dating PBA player na si Art.

“I want to give credit to Benilde they did a good job.” ani Fernandez na pinalitan si dating SBC coach Ronnie Magsanoc. It was a lucky shot and game for us.”
Si Dela Cruz ang tinaghal na best player matapos kumana ng 16 points, 11 rebounds at dalawang assists habang bumakas sina Olaide Adeogun at Dela Rosa ng 11 at 10 pts. ayon sa pagkakasunod.

Nanguna naman sa opensa ng Blazers si Mark Romero na nagsumite ng 19 puntos at walong boards.

Buena-mano rin sa panalo ang last year’s runner up Letran Knights matapos nilang kaldagin sa second game ang San Sebastian College Stags, 74-69.

Samantala, nakatakdang magharap bukas ang Jose Rizal University Heavy Bombers at Mapua Cardinals sa alas kuwatro ng hapon at pagkatapos ay kikilatisin naman ng Red Lions ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa 6 ng gabi sa gaganapin sa The Arena sa San Juan.

The post Red Lions muntik sa Blazers appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>