NAMATAY ang matatandang mag-ina sa Hacienda Conchita, San Dionisio, Iloilo nang masunog ang bahay ng mga ito.
Kinilala ang mag-inang biktima na sina Lilia Villanes na mahigit na sa 100 at anak nito na si Santiaga Villanes, 80 anyos,
Tinatayang sa pagitan ng alas-7:00 at alas-7:30 kagabi nang naganap ang sunog at naabo ang bahay ng mga biktima na gawa lamang sa light materials.
Ang mga biktima ay dalawa lamang na namumuhay at dahil sa katandaan ay hindi kaagad nakalabas sa kanilang bahay nang naganap ang sunog.
Malayo rin ang tirahan ng mga ito sa ibang bahay kaya hindi kaagad natulungan ng mga kapitbahay.
Tinangka pa sana ng mga nagrespondeng residente na hugutin ang mag-ina mula sa umaapoy na bahay subalit hindi na naisalba pa ng buhay.
Walang suplay ng kuryente sa bahay ng mag-ina at pinaniniwalaang nagmula ang apoy sa nakasinding kandila o lampara.
The post 2 matandang mag-ina, patay sa sunog sa Iloilo appeared first on Remate.