PATULOY na makararanas ng pag-ulan bunsod ng Habagat o southwest monsoon lalo na sa kanlurang bahagi ng bansa.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Joey Figuracion, uulanin ngayong Sabado ang Gitna at Katimugang Lzuon.
Ang Metro Manila, Gitnang luzon, CALABARZON, Bicol region, MIMAROPA, Kanlurang Visayas at Zamboanga peninsula ay magkakaroon ng maulap na papawirin na may mahina hanggang katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog.
Nakakaapekto sa Habagat ang Bagyong Fabian na bagamat nasa China na ay humihiila pa rin ng kaulapan.
Magiging bahagya hanggang sa maulap ang kalangitan sa nalalabing bahagi ng bansa na magdudulot ng pulo-pulong pag-ulan lalo na sa hapon o gabi.
Ang temperature ay nasa 25-33 degrees Celsius ang agwat ng temperatura sa Metro Manila.
Nag-aabiso pa rin ang PAGASA sa mga mangingisda ukol sa maalong dagat sa seaboard ng Luzon, mula Batanes hanggang Palawan.
Dahil sa maalon hanggang napakaalon ng karagatan, pinag-iingat na huwag munang pumalaot ang mga mangingisda na may maliliiit na sasakyang pandagat.
The post South monsoon, magpapaulan sa Gitna at Katimugang Luzon appeared first on Remate.