IPATUTUPAD ng Maynilad ang tapyas presyo sa water bill ng mga consumers sa susunod na buwan.
Nabatid na aabot sa mahigit P4.50 kada cubic meter ang ibabawas sa bill ng mga kustomer ng Maynilad sa susunod na buwan.
Ang rollback sa water bill ay ipatutupad matapos bayaran ng Maynilad ang utang sa bangko na $120 milyon noong malakas ang palitan ng piso kontra dolyar na nagresulta para makatipid ito ng halos P1 bilyon na ibabalik sa consumer.
Wala pang P100.00 ang bawas sa mga kumokonsumo ng 10 hanggang 30 cubic meters ng tubig pero aabutin ng libo sa commercial at industrial.
Nilinaw naman ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na hanggang Enero 2014 lang ang bawas ng presyo ng Maynilad dahil tuloy pa rin ang hirit nitong dagdag singil.
Nagkataon lang umanong naging dikit ang rebate ng Maynilad sa hirit na dagdag singil ng mga concessionaire.
Nasa mahigit P5.00 ang hirit na dagdag ng Manila Water habang lagpas P8.00 ang sa Maynilad.
The post Maynilad may rollback sa water bill sa susunod na buwan appeared first on Remate.