NASAKOTE ng pinagsanib na pwersa ng special units ng pulisya ang pitong suspek sa panghoholdap sa Cagayan Power Light Company, Inc. (CEPALCO) Carmen sub-office sa syudad ng Cagayan de Oro.
Ang pagkakaaresto sa mga suspek ay kaugnay na ginawang pursuit operations ng pulisya laban sa mga suspe na tumangay ng mahigit P100,000 cash money ng kompanya at personal na kagamitan ng mga customer noong nakaraang araw sa lungsod.
Ayon kay S/Insp Evan Vinas, hepe ng Agora Police Station, kabilang sa mga naaresto ang apat na kalalakihan at tatlong kababaihan na pawang taga-syudad.
Sinabi ni Vinas na kanilang naaresto ang mga suspek sa magkakaibang lugar sa lungsod batay sa ibinigay na impormasyon ng kanilang confidential informants.
Ayon pa sa opisyal, ang nasabing mga suspek ay tumugma umano sa larawan na nakuha mula sa CCTV camera sa loob ng Cepalco.
Labis ang pasasalamat ng mga awtoridad sa kooperasyon ng publiko upang madakip ang mga suspek.
The post 7 suspek na nangholdap sa power firm sa CDO, tiklo appeared first on Remate.