PINAG-IINGAT ng Department of Health (DOH) ang mga Pinoy na nasa Taiwan sa sakit na H6N1 virus.
Ginawa ng DOH ang babala matapos na matukoy ang kauna-unahang kaso sa tao ng naturang sakit.
Ayon sa Central Epidemic Disease Survellaince Command Center, isang babae ang unang nakitaan ng simtomas ng bird flu.
Kilala ang H6N1 avian influenza virus na isang strain ng birds flu.
Ayon kay DOH Spokesman at Asec. Eric Tayag, inaalam na kung paano ito nakahawa sa tao gayung sa mga migratory birds lamang naitala ang kahalintulad na sakit.
The post Mga Pinoy sa Taiwan, binalaan sa bird flu virus appeared first on Remate.