SISIMULAN ng Judicial and Bar Council (JBC) sa Hulyo 1 ang deliberasyon para sa pagpili sa susunod na pinuno ng Sandiganbayan.
Ayon kay JBC member Atty.Jose Mejia, tapos na ang public interview sa siyam na aspirante para sa pagka-presiding judge kapalit ng nagretirong si Sandiganbayan Presiding Judge Francisco Villaruz, Jr.
Aniya, nakumpleto ng mga aspirante ang kanilang public interview at mga kaukulang requirements.
Bigo naman si Atty. Jasper Lucero na maisumite ang hinihinging requirements at kaniyang statements of assets and liabilities na naka-skedyul din sana itong isalang sa public interview.
Kabilang sa mga aspirante bilang presiding judge ng Sandiganbayan sina Sandiganbayan Justices Gregory Ong, Teresita Diaz-Baldos, Amparo Tang, Alex Quiros, Efren dela Cruz, CA Justice Apolinario Bruselas, DOJ Usec. Leah Armamento, DILG Usec. Rafael Santos at Abra Provincial Prosecutor Nestor Tolentino.
The post Deliberasyon sa pagpili ng bagong presiding judge ng Sandiganbayan, sisimulan sa Hulyo 1 appeared first on Remate.