PANGUNGUNAHAN nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at AFP Chief of Staff Gen. Emmanuel Bautista ang formal integration sa Philippine Army ng 168 na mga dating miyembro ng Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) na gagawin sa darating na June 26 sa Gamu, Isabela.
Ayon kay Army spokesperson Lt. Col. Randolf Cabangbang, ang integration ng CPLA ay resulta ng matagumpay na pag-uusap ng gobyerno sa Cordillera group.
Tiniyak naman n Lt. Gen. Noel Coballes, commanding general ng Philippine Army, na sinsero ang gobyerno sa pagpapatupad ng peace process at ang Army ang siya lamang naging facilitator nito.
The post 168 ex-rebels aanib na Philippine Army appeared first on Remate.