NAGLAAN ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng halagang P9.5-M para sa pagbili ng mga radio communication system.
Ang pagbili ng radio com ay para mapabilis umano ang komunikasyon sa pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang ahensya lalo na sa panahon ng bagyo at iba pang kalamidad.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Eduardo del Rosario, ang pagbili ng mga radio ay para mapabilis ang komunikasyon partikular sa search and rescue operation.
Sinabi ni Del Rosario na ipamamahagi sa iba’t-ibang regional offices ng NDRRMC ang mga bagong radio communication system na puwedeng gamitin sa pamamagitan ng cellular phones.
Giit ng opisyal, magiging operational ang nasabing mga radio communication system sa darating na Oktubre nitong taon.
Hinimok naman ni Del Rosario ang mga opisyal ng barangay sa buong bansa na maging pro-active.
The post P9.5-M inilaan ng NDRRMC sa pagbili ng radio communication appeared first on Remate.