NAKAAMBA na naman ang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo kasunod ng pagmahal ng presyo nito sa world market.
Nabatid na posibleng papalo umano sa P0.80 kada litro ang itataas sa diesel o krudo habang P0.90 sa kerosina at P0.35 sa gasolina.
Una rito, nitong nakalipas lamang na Martes ay nagpatupad ng oil price hike ang tinaguriang “big 3″ na Shell Pilipinas, Petron at Chevron kasama ang small oil players na Phoenix, PTT at Flying V.
Pare-parehong P1.45 ang itinaas sa bawat litro ng diesel ng anim na kompaniya ng langis, habang P1.05 sa kada litro ng gasolina at P1.40 kada litro ang itinaas sa presyo ng kerosene.
The post Oil price hike, nakaamba na naman appeared first on Remate.