NAPATAY ang isang pulis habang nasa aktong naghahain ng search warrant sa bahay ng suspek sa bayan ng President Roxas sa lalawigan ng North Cotabato.
Ayon kay S/Insp. Marlou Dolar, chief of police ng President Roxas-PNP, sa halip na papasukin sa bahay si SPO2 Eldorado Dolloso para sa pormal na paghain ng search warrant, agad na binaril ng suspek at tinamaan ito sa ulo na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.
Kinilala ang suspek na si Willie Pepito.
Agad itong dinala sa bahay pagamutan subalit idineklarang dead on arrival.
Nagsagawa na rin ng hot pursuit operation ang mga awtoridad laban sa nakatakas na suspek.
The post Parak sa N.Cotabato na nagsisilbi ng search warrant, tinigbaknumba appeared first on Remate.