DUMARANAS na ng matinding polusyon sa hangin ang mga Pilipino sa Singapore.
Ayon sa ilan Overseas Filipino Worker (OFW), sumasakit na ang kanilang mata, lalamunan at ilong sa kalalanghap ng maruming hangin.
Kahit saang bahagi umano ng Singapore ay balot ng haze at ibang lugar kagaya ng Marina Bay Sands’ Waterfornt Promenade ay halos zero visibility na.
Ayon pa sa OFW, ngayon ang pinakamalalang epekto ng haze dahil aabot na ng halos isang linggo, kaya naman nagkakaubusan na umano ng air cleaners sa naturang bansa.
Marami na sa mga mamamayan ng Singapore ang dumaranas ng respiratory problem dahil sa usok.
Kung tatagal pa umano ang ganitong sitwasyon ay lalala ang epekto sa kalusugan, transportasyon at maging sa kabuhayan.
The post Pinoy sa Singapore apektado ng haze appeared first on Remate.