IPINANGAKO ngayon ng pamahalaan na dodoblehin ang kanilang pagsisika upang malabanan ang human trafficking sa bansa.
Sinabi ni Vice President Jejomar Binay, kasama ang non-government organization, hindi titigil ang Pilipinas hangga’t hindi gumaganda ang Trafficking in Persons (TIP) Report ng bansa.
Ayon kay Binay, kung hindi man umano umakyat ang tier rating ng bansa patuloy naman ang gagawin nila para maprotektahan ang taongbayan laban sa human trafficking.
Una rito, nanatiling mahina at nasa Tier 2 ang Pilipinas dahil sa kakulangan ng pagsisikap ng pamahalaan na labanan ang human trafficking dahil marami pa rin ang nasasadlak sa sex trade at exploitation na mga bata sa bansa.
Sa report ni ni US Secretary of State John Kerry na 13th annual Trafficking in Persons (TIP) Report, hindi umano umangat ang Pilipinas sa dati nitong antas base sa tier 3 ranking system ng US State Department sa paglaban sa human trafficking.
Sa kabila nito, pinuri sa report ni Kerry ang pagpapalawak ng anti-trafficking legislation sa Pilipinas ngunit binigyang diin na ang kahinaan sa judicial system sa bansa ang kabilang sa nagiging dahilan upang kakaunti lamang ang mga napaparusahan na trafficking offenders.
The post Binay doble kayod vs TIP appeared first on Remate.