IPINAHAYAG ngayong umaga ng Office of Civil Defense Region 4-A na sinuspinde na ang lahat ng klase sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong lungsod ng Batangas.
Ang pagkansela ng klase ay kasunod ng mga naranasang pag-ulan simula pa kagabi dahil sa sama ng panahon.
Ayon sa OCD Region 4-A, wala ng pasok ang elementarya hanggang sekondarya dahil sa mga pagbaha sa ilang lugar.
Layunin umano ng nasabing suspensyon na matiyak ang seguridad ng mga mag-aaral na papasok sa mga paaralan dahil hanggang ngayon ay nakakaranas pa rin ng pag-ulan sa Batangas.
The post Klase sa Batangas City, suspendido ngayon appeared first on Remate.