NATAGPUAN na kagabi ng mga awtoridad ang isang pasahero na nawawala matapos lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatan sakop ng Palawan.
Sa nakarating na ulat sa Philippine Coast guard (PCG), ligtas na ang pasahero na nakilala lamang sa tawag na Kagawad Vasquez.
Nabatid na sakay ng motor banca na MB Salve ang biktima nang hampasin ng malalakas na alon na naging dahilan upang ito ay tumaob at lumubog.
Sa report, patungong Santa Teresita sa Palawan ang mga pasahero ng bangka.
The post Nawawalang pasahero sa lumubog na bangka, natagpuan na appeared first on Remate.