LAOAG CITY – PATAY ang isang matandang dalaga na empleyado ng Laoag City treasurer’s office matapos itong pagbabarilin ng riding in tandem habang papasok sa kanyang opisina kamakalawa ng umaga.
Ang biktimang hindi na umabot sa pinakamalapit na ospital ay kinilalang si Felicitas Jose, ng Barangay Lagui-Sail, sa nasabing lalawigan.
Sa inisyal na report ng Laoag City Philippine National Police (PNP), pumasok umano ang biktima sa kanilang opisina lulan ng isang Hyundai van upang mag attend ng flag ceremony sa isasagawang celebration ng chartered-day anniversary ng nasabing lalawigan.
Habang tumatakbo ang van, hinarang ng dalawang suspek ang sinasakyan ng biktima at walang sabi-sabing pinaputukan ito gamit ang M-16 armalite rifle at .45 pistol.
Napag-alaman na si Jose ay nagpapautang na mayroong interest.
The post Empleyado ng Laoag City treasurer’s office pinagbabaril, patay appeared first on Remate.