PUMALO na sa mahigit 40,000 ang bilang ng tinamaan ng dengue sa buong Pilipinas .
Sa nasabing bilang, 193 na ang namammatay mula buwan ng Enero hanggang Hunyo 8 taong kasalukuyan,ayon sa Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Spokesman Eric Tayag, nasa kabuuang bilang na 42,207 ang naitalang kaso ng dengue sa bansa kaya naman pinayuhan nito ang mamamayan na huwag balewalain ang lagnat lalo na sa mga bata.
Aniya, isa ang lagnat sa sintomas ng pagkakaroon ng dengue.
Sinabi ni Tayag na hinihintay pa ng DOH ang bakuna na mangagaling sa Taiwan na inaasahan nang magagamit sa 2014 0 2015 para sa proteksyon sa common type 1 at type 3 ng dengue virus.
The post Tinamaan ng dengue, pumalo na sa 42,207 appeared first on Remate.