PORMAL nang nagbitiw sa kanyang puwesto si Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) administrator Nathaniel Servando.
Ang pagbibitiw sa puwesto ay kinumpirma ni PAGASA officer in charge Vicente Manalo makaraang ihayag ni Servando na gagamitin na nito ang kanyang retirement benefits.
Magugunitang nag-file ng leave of absense si Servando hanggang Agosto na napaulat na nagta-trabaho na bilang guro sa metreology school sa Qatar na sinasabing isang juicy position.
Isa lamang si Servando sa listahan ng mga taga-PAGASA na nagreresign dahil sa mababang sahod at benepisyo.
The post PAGASA administrator, nagbitiw appeared first on Remate.