MALAKI ang tiwala ng Deparment of Transportation and Communications (DOTC) na maseselyuhan na sa susunod na linggo ang negosasyon sa Japanese contractor.
Ayon kay DOTC Secretary Joseph Abaya target nilang maging fully operational sa taong 2014 ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Sa ngayon, 52% pa lamang na operational ang NAIA Terminal 3 na nagsisilbi sa 13-milyong pasahero kada taon simula nang magbukas ito noong 2008.
Nabalam ang pagtugon sa structural issues sa NAIA Terminal 3 dahil sa legal dispute sa pagitan ng gobyerno at local contractor na Piatco at German share holder.
The post Phil-Jap nego sa pagsasa-ayos ng NAIA Terminal 3, patuloy appeared first on Remate.