MULING binuhay ng ilang transport group ang hirit na dagdag-pasahe sa mga pampublikong sasakyan.
Ito’y matapos na namang magkasa ang mga kumpanya ng langis ng dagdag presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.
Ayon sa Alliance of Concerned Trasport Organizations (ACTO), panahon na upang magdagdag ng P0.50 sa pasahe sa jeep dahil sa umaabot na sa mahigit P6.00 ang itinaas ng diesel habang P8.00 naman ang sa gasolina.
Ayon naman sa grupong Pasang Pasda, hihintayin nila na umabot sa P45 kada litro ang presyo ng diesel bago ihirit ang taas sa pasahe.
Kapag tuluyang binuhay ng ACTO ang kanilang petisyon ngayong linggo, pwede nang i-schedule ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagdinig sa susunod na linggo.
Panukala naman ng Department of Energy, gawin nang awtomatiko ang pagbabago ng pasahe depende sa range ng presyo ng diesel.
Pag-aaralan din ng kagawaran ang pagbuhay sa Pantawid Pasada sakaling tumuntong na sa P50.00 ang kada litro ng diesel.
The post Transport group humirit ng dagdag-pasahe appeared first on Remate.