TINATAYANG aabot sa P200 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa mga operasyon ng Philippine National Police-Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (PNP-AIDSOFT) kagabi sa Manila at Cavite.
Sa unang operation ng mga pulis, dalawang kilo ng shabu mula sa dalawang Chinese na sina Tai Chun Yuan alyas “Mr. Chua” at Yang Mou Yuan alyas “Yeng” sa operasyon sa Muelle de Binondo, Manila.
Samantala, umaabot naman sa mahigit 14 na kilo ng shabu ang narekober matapos galugarin ang condominium ng isa sa mga suspek.
Sa operasyon naman sa Trece Martires, Cavite, isa pang Chinese na kinilalang si Shu Jian Ye ang naaresto matapos makunan ng 20 kilo ng shabu.
Sa kabuuan, nasa P185 milyon ang halaga ng mga narekober na iligal na droga sa naturang lugar.
Inaalam ng mga awtoridad kung miyembro ng sindikatong naglalabas ng shabu sa bansa ang tatlong Chinese o may itinayong drug laboratory ang mga ito dito sa Pilipinas.
The post P200-M shabu nasabat ng PNP-AIDSOFT appeared first on Remate.