HINIHINALANG gas poisoning ang ikinamatay ng dalawang small scale miner sa Itogon, Benguet.
Nailabas na kagabi sa tunnel ang mga labi nina Simeon Wakit Dulawan, 36 taong gulang at Roy Killase, 23 taong gulang, na nagmimina sa Bugayong Mine Portal sa Brgy. Ampucao sa bayan ng Itogon.
Ayon sa report, pumasok sa tunnel ang mga biktima at dalawa pang kasamahan subalit hindi na nakalabas ang mga ito dahil sa poison gas.
Sinabi nito na nailabas lamang mula sa tunnel ang bangkay ng mga biktima alas-8:00 kagabi sa tulong ng mga rescue team.
Kaugnay nito, pinag-iingat ng mga awtoridad ang mga minero sa mga minahan dahil ang gas poisoning ay maaaring ikamatay nila.
The post 2 minero tigok sa gas poisoning appeared first on Remate.