MAKALALAYA na sa pagkakabilanggo ang 130 preso sa paglulunsad ng Judgement Day Project ng Supreme Court (SC) sa ilang mga pangunahing lungsod sa bansa.
Ayon kay SC Administrator Midas Marquez, karamihan sa mga nasabing bilanggo ay nagmula sa lungsod ng Maynila, Angeles City at Cebu City.
Sa Maynila, 115 na mga kaso ang naisalang sa pagdinig; 75 ang nadesisyunan at 75 mga detainee ang iniutos na mapalaya.
Sa Angeles City, 68 mga kaso ang isinailalim sa pagdinig; 55 ang nadesisyunan at 43 mga preso ang iniutos na mapalaya.
Sa Cebu City naman, 12 mga inmate ang iniutos na palayain.
Layunin ng nasabing proyekto na malutas ang problema ng jail congestion o siksikan sa mga kulungan sa bansa.
The post 130 inmates lalaya sa ‘judgement day’ appeared first on Remate.