NAMATAY ang isang babaing negosyante nang holdapin at barilin sa mukha ng dalawang hindi kilalang salarin sa bayan ng Bautista sa lalawigan ng Pangasinan.
Agad na namatay ang biktimang si Lucy Pula, residente sa Barangay Manambong Norte sa bayan ng Bayambang dahil sa tama ng bala sa mukha.
Napag-alaman na patungo sa bayan ang biktima kasama ang mister na si Charles Pula para bumili ng kanilang paninda nang tambangan sila ng dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo.
Sapilitang tinangay ng mga suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng P20,000.
Binaril ang ginang nang murahin nito ang mga suspek.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng pulisya kung may iba pang motibo ang mga suspek.
The post Ginang tinaniman ng bala sa mukha, tepok appeared first on Remate.