SUMIPA ng 6.1% ang cash remittances ng mga Overseas Filipino workers (OFWs) para sa buwan ng Abril, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ayon sa BSP, pumalo sa $1.804 ang kabuuang remittances ng mga OFW nitong Abril.
Sinabi ni BSP Governor Amando Tetangco Jr. na malaking tulong sa mataas na remittances ang malakas na demand sa mga Filipino workers sa ibayong-dagat.
Nakatulong din umano ang expansion ng mga bank and non-bank services.
The post Cash remittances ng mga OFWs, sumipa ng 6.1% appeared first on Remate.