NAGKANSELA ngayong araw ng dalawang domestic flights ang Cebu Pacific dahil sa tinatawag na marketing consideration.
Batay sa inilabas sa Twitter ng DOTC, inanunsyo nitong kanselado ang biyahe ng Flight 5J-893 Manila-Caticlan at 5J-894 Caticlan-Manila.
“Cancelled flights due to marketing consideration: 5J-893 MNL-Caticlan and 5J-894 Caticlan-MNL,” bahagi ng tweet ng DOTC.
Kung maalala, kahapon ay kanselado rin ang apat na domestic flights ng Cebu Pacific dahil sa masamang panahong dala ng Bagyong Emong.
Sa flight advisory na ipinalabas ng Manila International Airport Authority (MIAA), apat na domestic flights na patungong Bicol ang kinansela.
Inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa tanggapan ng Cebu Pacific para sa karagdagang impormasyon.
The post 2 biyahe ng CebuPac kinansela appeared first on Remate.