NAKATAKDANG magbaba ng singil sa tubig ang water concessionaire na Manila Water simula Hulyo 3.
Nilinaw na ang rollback sa singil ay taliwas sa ipapatupad ng Maynilad na may P0.17 dagdag-singil sa kada cubic meter o P0.39 hanggang P100 na epekto sa bill ng konsyumer.
Sinabi nitong ang bawas-singil ay dulot ng foreign currency differential adjustment (FCDA) nitong kwarter.
Ang FCDA umano ay hindi lamang sa paggalaw ng piso kontra dolyar kundi maging sa iba pang currency tulad ng Japanese yen at Euro. Tinatantya pa umano bawat kwarter.
Lumalabas na ang mga kumokonsumo ng 20 cubic meters na nagbabayad ng P301.90 ay mababawasan ng P5, habang ang mga consumer na may 30 cubic meters na konsumo na katumbas ng P615 ay bababa naman ng P10.
Samantala, may inihain ding rate rebating adjustment ang Manila water sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ngunit hinihintay pa aniya nila ang tugon dito. (Johnny F. Arasga)
The post Rollback sa singil sa tubig, ipatutupad ng Manila Water appeared first on Remate.