DUMATING ngayon sa Pilipinas si United States (U.S.) Navy Secretary Ray Mabus para sa tatlong araw na pagbisita.
Ang pagdating sa Pilipinas ng US Navy commander ay itinuturing na krusyal sa harap ng nangyayaring maritime tension sa pagitan ng China at ilang Southeast Asian countries.
Nakatakdang makipagpulong si Commander Mabus kina AFP Chief of Staff General Emmanuel Bautista, Navy Vice Admiral Jose Luis Alano, at ilang pang opisyal ng militar.
Inaasahang pag-uusapan sa pulong ang ilang bilateral at multilateral security issues ng dalawang bansa, counter-terrorism efforts, maritime security at regional humanitarian assistance and relief efforts.
The post US Navy Sec. Mabus, nasa Pinas para sa three-day visit appeared first on Remate.