Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Warner Bros., Disney kukuha ng animators sa TESDA

$
0
0

PATULOY na nakakakuha ng atensyon sa mga malalaking internasyunal na kumpanya ang mga graduates ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) makaraang ilan sa mga ito ang magtanong ukol sa pagkuha ng serbisyo sa mga kuwalipikadong espesyalista.

Binanggit ni TESDA Director General Joel Villanueva na kabilang sa mga lumapit sa kanila ang mga multi-bilyong dolyar na mga kumpanya ng Warner Bros. at Walt Disney.

Naghahanap umano ang mga ito ng mga magagaling na Pilipinong animators para sa ginagawa nilang mga pelikula at iba pang produksyon.

Lumapit na rin umano sa kanila ang Hanjin at Keppel Corporations na naghahanap naman ng iba’t ibang skilled workers.

Ang pagkilala umanong ito sa TESDA ay dulot rin ng pagbibigay sa ahensya ng ISO Certification bukod sa pagpapaigting sa kampanya sa kalidad na “vocational courses” sa buong bansa.

Dahil sa ISO certification, binitiwan na ng ilang malalaking foreign companies ang kinakailangang limang taon na karanasan (required five year experience) para sa bawat Filipino skilled workers na nagtapos sa TESDA upang agad na makuha ang kanilang serbisyo.

The post Warner Bros., Disney kukuha ng animators sa TESDA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>