NAGLULUNSAD umano ng signature campaign ang mga Pinoy sa Japan para hilingin sa mga airline company na maglagay ng direct international flight sa Iloilo International Airport mula sa Japan.
Napag-alaman na puspusan ang kampanya ngayon ng Department of Tourism (DoT) Reg. 6 para sa pagkakaroon ng direct flight at mapataas ang bilang ng mga Hapon na bibisita sa rehiyon.
Nabatid na mangangalap ang umano ang mga Pinoy ng maraming pirma na nagpapahayag ng pagpabor sa pagkakaroon ng direct flight pa-Iloilo.
Nais ng mga Hapon ang convinient na biyahe at kung may direktang flight patungo sa Iloilo, tiyak na tataas ang bilang ng mga turista sa rehiyon.
Bagama’t ikinakampanya ang pagpapataas ng bilang ng mga turistang Hapon sa rehiyon, nilinaw naman ni DoT Reg. 6 Dir. Atty. Helen Catalbas na hindi welcome sa rehiyon ang tinaguriang “sex tourism” na interes ng ilang mga turista.
The post Signature campaign ilulunsad ng mga Pinoy para sa direct intl flight sa Iloilo Airport appeared first on Remate.