“NO Shootout.”
Ito ang binigyan diin ni Justice Secretary Leila de Lima sa isinagawang re-enactment ng National Bureau of Investigation (NBI) ng di umano’y naganap na shootout sa Atimonan, Quezon noong Enero 6.
Ang konklusyon ni de Lima ay base na rin sa naging testimonya ng mga testigo at sa pagsasadula sa pangyayari .
Nang matapos ang re-enactment ay iginiit ng kalihim na wala silang pagdududa sa kredibilidad ng mga testigo.
Sinabi pa ng kalihim na habang isinasagawa ang re-enactment sa lugar ay kitang-kita nila na totoo ang pinagsasabi ng mga testigo.
Dahil dito, sinabi ni de Lima na walang naganap na ‘shootout’.
Isinailalim na sa WPP ang mga testigo.
Samantala, hawak na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang slug ng bala na tumama sa binti ni Police Supt. Hansel Marantan.
Maging ang ilang mga ebidensya ay itinurn-over na rin ng PNP sa NBI .
Ang slug naman na nakuha kay Marantan ay dinala sa Firearm Investigation Division para sa pagsusuri.