Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Food service equipment contractor, food establishment kinasuhan ng BIR

$
0
0

SINAMPAHAN ng tax evasion case ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice ang isang food service equipment contractor na nakabase sa Valenzuela City at isang food establishment na nakabase naman sa Mandaluyong City.

Ayon sa BIR, nagkaroon ng pagkukulang o discrepancy sa tax return ang Gomeco Metal Corporation.

Nasa P32.37 million ang hinahabol na buwis ng BIR mula sa Gomeco.

Kabilang sa idinemanda ng BIR ay ang mga corporate officer ng Gomeco na sina George L. Kaw (presidente), Evangeline L. Kaw (treasurer) at Jonathan T. Kaw at general manager.

Nilabag ng mga respondent ang Section 254 at ang Section 255 ng National Internal Revenue Code o ang tangkang pag-iwas sa pagbabayad ng tamang buwis.

Nabatid na kabilang sa mga kliyente ng Gomeco ay ang University of the East-Recto, SM Prime Holdings, Sycip Gorres Velayo & Co., JGC Philippines Inc. at SMCC Philippines Inc.

Maliban sa Gomeco, idinemanda rin ng BIR ang La Chilo Chinese Cuisine Inc. sa Mandaluyong City dahil sa hindi pagbabayad ng kulang sa buwis noong 2007.

Lumabas sa regular audit ng BIR na ang La Chilo ay may kabuuang tax deficiencies na P29.39 million noong 2007.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>