KRITIKAL ang lagay ng isang lola nang tadtarin ng saksak ng kawatang kapitbahay kaninang madaling araw sa Tulay 2 Daang Hari, Navotas City.
Nakaratay at inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Francisca Deunga, 71, biyuda, ng Tulay 2 ng nasabing barangay sanhi ng maraming saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.
Mabilis na tumakas ang suspek na nakilalang si Erick Tagasan, 22, binata, kapitbahay ng biktima.
Sa imbestigasyon ni P03 Exequel Sangco ng Station Investigation Division (SID) ng Navotas pulis, dakong ala 1:15 kaninanag madaling araw ng maganap ang insidente sa loob ng bahay ng biktima.
Nabatid, abala ang matanda sa kanyang munting kainan ng biglang makarinig ng kalabog sa taas ng kanyang bahay kaya agad tiningnan at dito nakita ang suspek na naghahalughog sa mga kagamitan.
Sinita ng biktima ang suspek hanggang sa bigla na manang nagbunot ng patalim at sunod-sunod na sinaksak ang matanda sabay takas ng suspek habang ang biktima ay dinala sa masabing pagamutan.
Sa follow-up operation nina Sp03 Alexander Sp01 Florante Sison at 3 kasamahan, nasakote ang suspek sa kanyang pinagtataguan.
Sasampahan ng kasong robbery with fraustrated murder ang suspek sa piskalya ng lungsod.
The post Lola pinagsasaksak ng kawatan, agaw-buhay appeared first on Remate.