Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Ex-police asset, arestado ng NBI sa pamemeke ng dokumento

$
0
0

ARESTADO ang isang diumano’y dating police asset ng National Bureau Of Investigation (NBI) at Airport Police Department Intelligence And Investigation Division dahil sa paggawa nito ng mga pekeng Identification cards at Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pass sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Wilbert Guerra, 37 anyos, nagtapos ng kursong Computer Technology at sinasabing dating police asset.

Ayon kay Brigadier General Salvador Peñaflor, hepe ng MIAA security and emergency services, naaresto ang suspek habang aktong gumagawa ng pekeng dokumento sa loob ng kanyang Warrior computer shop sa Apollo Street, Aeroville, NAIA, Pasay City.

Nauna rito, nakatanggap umano ng tip ang NBI sa ginagawang modus ng nasabing establisyimento kaya naman agad itong nagsagawa ng entrapment operation kung saan isang agent ang nagpanggap na magpapagawa ng pass at habang ginagawa ang nasabing ID ay saka sinalakay ng mga operatiba ng NBI at Airport Police ang lugar.

Ayon sa NBI, lubha umanong mapanganib para sa paliparan maging sa mga pasahero at staff nito kapag may pekeng pass ang sinuman dahil maaari itong magamit sa human trafficking, smuggling, terrorism, at pagnanakaw.

Samantala, nahaharap na ngayon sa kasong falsification of public documents ang suspek habang inaalam na din kung may iba pa itong kasabwat sa ginagawang mga pekeng ID at pass.

The post Ex-police asset, arestado ng NBI sa pamemeke ng dokumento appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>