Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Malakanyang ok lang gamiting training ground ang PAGASA

$
0
0

OKEY lang sa Malakanyang kung ginagamit na training ground ng mga forecasters ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Tugon ito ng Malakanyang matapos magbakasyon si Dir. Nathaniel Servando, na napabalitang nagtatrabaho na ngayon sa Dubai dahil sa kakarampot na sahod at benepisyo sa PAGASA.

“Well, ano po kasi, at least ‘yung weather bureau natin is one of the most tried and tested weather bureaus dahil doon sa mga dami nga ng bagyong dumadating sa atin. But hindi po natin din mapipigilan talaga kung… If someone wants—not just the weather forecasters—if someone wants to seek greener pastures for himself or for his family, hindi naman po natin pwedeng pigilan ‘yon,” ani Usec. Valte.

Kumbinsido si Usec. Valte na may kanya-kanyang rason ang mga personnel ng PAGASA sa kanilang desisyon na iwanan ang kanilang posisyon at makipagsapalaran sa ibang bansa.

Sa pagpasok ng tag-ulan at sa kabila ng pagbabakasyon ng direktor ng PAGASA, inanunsyo ng Malacañang na magha-hire ng mga bagong weather forecaster ang Department of Science and Technology.

Ito’y para mapunan ang malaking kakulangan ng mga tauhan ng PAGASA na pinangangasiwaan ng DOST.

Sinabi naman ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na inabisuhan na siya ni DOST Secretary Mario Montejo na may mga hakbang na silang ginagawa upang madagdagan ang kanilang mga tauhan sa lalong madaling panahon.

Ang hakbang na ito ay alinsunod na rin sa nais ni Pangulong Benigno Aquino na isailalim sa modernisasyon ang PAGASA, na ani Lacierda ay isa sa mga prayoridad ng Malacañang.

Samantala,  aabot  sa 30 bagong weather forecaster ang kailangan ng PAGASA upang makatulong sa mabigat na trabaho ng ahensya.

The post Malakanyang ok lang gamiting training ground ang PAGASA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>