Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Senator-elect, 3 talunan di nagpasa ng SECE

$
0
0

INIULAT ng Law Department ng Commission on Elections (Comelec) na isang Senator-elect at tatlong talunang Senate bets ang nabigong makapagsumite ng kanilang Statement of Election Contributions and Expenditures (SECE) kahit tapos na ang deadline sa paghahain nito.

Ayon sa Comelec Law Department, hanggang nitong Biyernes ng umaga ay hindi pa rin nakapaghahain ng kanilang SECE si Senator-elect JV Ejercito ng United Nationalist Alliance (UNA).

Sa panayam sa radyo, idinahilan naman ni Ejercito ang pagbaha kaya hindi kaagad nakapaghain ng SECE, bagamat sinabing ipinadala na niya ang kanyang mga dokumento sa Comelec, sa pamamagitan nang post office.

Bukod kay Ejercito, hindi pa rin nakapaghain ng SOCE hanggang kahapon ng umaga ang mga natalong kandidato na sina Risa Hontiveros, Rizalito David at Marwil Llasos.

Nakapaghain naman ng kanyang SECE si Senator-elect Francis Escudero dakong 9:30 ng umaga ng Biyernes habang bago mag-8:00 ng gabi ng Huwebes nang magsumite ng kanilang SECE sina Senator-elects Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Gregorio Honasan at Sonny Angara, gayundin sina Eduardo Villanueva, Teddy Casiño at Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr., ang mga late filers o ang mga naghain ng SECE kahit pa tapos na ang deadline ay maaaring pagmultahin ng mula P2,000 hanggang P30,000.

Kinakailangang maghain ng SECE ang mga kandidato, nanalo man o natalo, sa Comelec upang matukoy ang kabuuang halaga ng kanilang mga ginastos sa pangangampanya.

Ang mga mabibigong maghain ng SECE ay pagmumultahin ng poll body.

Ang mga nanalong kandidato na hindi magsusumite ng SECE ay hindi papayagang makaupo sa pwesto habang ang mga magsisinungaling sa kanilang SECE ay maaaring sampahan ng kasong perjury.

Sakali umanong ang isang kandidato ay mabigong magsumite ng SECE sa dalawang magkasunod na halalan, ay hindi na sila papayagang kumandidato muli.

Ang deadline sa paghahain ng SECE ay hanggang 5:00 ng hapon lamang ng Huwebes, Hunyo 13, o 30 araw matapos ang midterm elections noong Mayo 13.

The post Senator-elect, 3 talunan di nagpasa ng SECE appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>