Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Bagong kontrabidas!

$
0
0

PINAKAAABANGAN ngayon ang teleserye ng nagbabalik-telebisyon na si Judy Ann Santos na “Huwag Ka Lang Mawawala” na ang grand premiere ay sa Lunes na sa Primetime Bida ng Kapamilya Network.

Bukod kasi sa maraming naka-miss kay Juday ay inaabangan rin sa serye ang kakaibang role rito nina Sam Milby at KC Concepcion.

Sa naturang serye ay nega as in kontrabida ang role nila rito. Kilalang leading man si Sam sa ilang sumikat na teledrama at pelikula ng Dos habang gumanap ding bida sa Pinoy version ng “Lovers in Paris” si KC, bilang Vivian at lead star ng movie na “I’ll Be There” kasama si Jericho Rosales.

Kadalasan nang sinasabi ng mga artista na challenging ang kontrabida role. Isa siguro ito sa dahilan kaya nila tinanggap ang proyekto. At siyempre hindi naman siguro nila kayang i-resist ang isang Judy Ann Santos na balitang siyang pumili ng kanyang mga co-star dito sa HKLM.

Pero inamin ni KC sa isang panayam na nagkaroon siya ng second thoughts kung tatanggapin ba niya ang role sa serye bilang Alexis.

Say ni KC, “I didn’t have any idea about my role until Ate Juday called me to say that I should I accept the role as her antagonist.”

“I didn’t know then if I can do a role like that, but I am very happy now that I took the challenge. Working with Ate Juday has been a very overwhelming experience.”

Thankful naman ngayon si KC at proud na tinanggap niya ang role na Alexis na magdaragdag ng spice sa buhay ni Anessa (Juday).

Kababata ni Alexis dito ang role ni Sam at in-love siya rito. Ngunit mapapangasawa ni Sam si Juday sa serye kaya abangan ang mga mangyayari.

Isa sa kaabang-abang sa HKLM ay ang ‘sampalan’ scene rito nina Juday at KC. Spluke nga ni KC, na literal siyang nakakita ng mga bituin matapos siyang sampalin nang bongga ni Juday.. Hahaha! Exciting.

Sa isa pang panayam sinabi naman ni Sam Milby na kakaibang Sam ang makikita rito ng kanyang mga tagahanga. Out of the box ito sa mga naging role ni Sam sa previous projects niya na nagpapakilig.

Eros Diomedes, ang ginagampanang role ni Sam sa HKLM. Galing sa isang mayamang pamilya si Eros who grows up with a temper. Makikilala niya si Anessa at mai-in love rito.

Sabi ni Sam  excited na rin siya sa opening ng naturang serye sa Lunes.

Hay bago ito para kina Sam at KC. Effective kaya sila? Alam naman ng lahat na ang mga kontrabida ang nagbibigay ng kulay at anghang sa buhay ng mga bida.

Peri infairness, sa mga interbyu kay Juday sa TV, proud ang dalaga sa husay nina Sam at KC.

Abangan ang pagbubukas ng Huwag Ka Lang Mawawala sa Lunes sa Primetime Bida ng Dos.

-***-

Comedy Academy

ILANG artista ang nagpahayag ng kanilang saloobin sa panawagan kamakailan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa mga TV station na magtayo ng Comedy Academy.

Ito ay kasunod ng kontrobersiyal na ‘rape joke’ ng Phenomenal Star na si Vice Ganda sa beteranang news anchor na si Jessica Soho sa concert niya kamakailan.

Say ng co-host ni Vice sa “It’s Showtime” na si Anne Curtis na “God-given talent ang comedy, comedic timing nuances, how can you teach that.”

Ganito rin ang palagay ni Luis Manzano na nagsabi na “Kasi ang comedy, hindi mo puwede sabihing, ‘O, ganito. ‘Pag hinirit nito, ito ang i-punchline mo, ha.’ Hindi, e. You have to be that spontaneous. It’s a gift na binigay ni God kay Vice na, siguro nagkamali lang ng isa si Vice, pero comedy is innate. Kaya ibang klase talaga si Vice”.

“Ang comedy po ay hindi ‘yan eskwelahan na para turuan kami regalo po sami yan ng Diyos para ibigay sa tao. Pwede naman kami limitahan sa pamamagitan ng pagbigay ng warning,” say naman ng kilalang komedyante na si Giselle Sanchez.

The post Bagong kontrabidas! appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>