PAGTUTUUNAN na ng pansin ang petisyon hinggil sa dagdag umento sa suweldo ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
Ito ang napag-alaman sa Department of Labor and Employment (DOLE), nang lumagpas na sa isang taon ang nilagdaan na Wage Order No. 17 noong Hunyo 3.
Maliban sa NCR, umabot na rin sa anniversary date ang wage orders sa walong rehiyon tulad ng Region 11 noong Enero 1, Region 4-B noong Pebrero 1, Region 5 noong Abril 7, Region 12 noong Abril 18, Region 4-A noong Mayo 15, Region 2 noong Mayo 16, Region 13 (Caraga) noong Mayo 21 at Region 6 noong Mayo 31.
Iniulat ng DOLE na kasunod ng paglagpas sa anniversary date ang muling pag-aaral ng Regional Tripartite Wage and Productivity Boards (RTWPBs) sa wage situation sa mga naturang rehiyon.
Bunga nito, pinag–aaralan na ang nakabinbing petisyon na umento sa sahod sa NCR, Region 6 at Region 11.
Anila, pinag-aaralan na ng RTWPB ang kasalukuyang wage orders at pag–asiste ng socio-economic conditions sa kanilang rehiyon habang ang kanilang order sa sahod ay umabot sa anniversary dates nila.
The post Petisyon sa umento sa sahod sa NCR, matututukan na ng wage board appeared first on Remate.