TATLO ang patay, habang dalawa ang sugatan sa gumuhong lupa sa Laurel, Batangas kaninang hapon.
Kinilala ang mga nasawi na sina Carlo Tenorio, Ambien Montalbo at Rodel Ibang habang sugatan naman sina Alfredo Bautista at Waldi Montiera.
Sa imbestigasyon, naglalagay ng riprap ang nasabing mga trabahador sa gilid ng bundok sa Barangay Dayap Itaas nang gumuho ang lupa at mga bato alas-3:00 ng hapon saka tumabon sa mga biktima.
Sinasabing ang paglambot ng lupa dahil sa sunod-sunod na araw na pag-ulan ang sanhi ng insidente.