TODAS ang isang lalaki makaraang barilin ng hindi nakilalang suspek nang tanggihan ng biktima na bentahan ng alak sa Brgy. San Jose, Ibajay, Aklan.
Agad na namatay ang biktimang si Armelante Magsael, 52, magsasaka, ng naturang lugar, dahil sa tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nabatid na kumatok ang suspek habang natutulog na ang biktima kasama ang kanyang pamilya sa kanilang tindahan dahil gusto pa niyang bumili ng alak.
Ngunit tumanggi na ang misis ng biktima na si Amelia Magsael dahilan upang paputukan siya ng mga suspek bago nagsitakas.
Kasalukuyang pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
The post Hindi pinagbentahan ng alak: Kelot niratrat, todas appeared first on Remate.