GENERALLY peaceful ang pagtaya ng Philippine National Police sa unang araw ng pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral ngayong araw.
Sinabi ni PNP spokesman, police chief Supt. Generoso Cerbo Jr. na mula kaninang umaga hanggang sa mga sandaling ito ay wala namang natatanggap na report ng untoward incidents ang PNP kaugnay ng pagbubukas ng klase.
Tiniyak ni Cerbo na naramdaman ang presensiya ng mga pulis sa maghapong ito at magpapatuloy ang ganitong sistema sa mga susunod pang mga araw.
Nanatili aniya sa full alert ang estado ng alerto ng pulisya sa national capital region, habang nasa hurisdiksyon na ng iba pang regional directors ang paglalagay ng kung anupamang alerto sa kani kanilang mga nasasakupan.
Ibinida rin ni Cerbo ang naging papel ng mga pulis sa Brigada eskwela, sapagkat marami sa kanila ay tumulong na naglinis at nagkumpuni ng mga sirang pasilidad ng ilang eskwelahan sa ibat ibang panig ng bansa.