Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Masustansiyang pagkain ipabaon sa mag-aaral

$
0
0

KASABAY  nang pagdagsa ng milyong estudyante sa mga paaralan sa bansa kanina, hinimok ng environmental watchdog na EcoWaste Coalition ang mga magulang na pabaunan ang kanilang mga anak ng simple, masustansiya at abot-kayang mga pagkain sa pagpasok  sa eskwela.

Ayon sa grupo, mas mainam kung mga magulang mismo ang maghahanda ng baon ng kanilang mga anak upang matiyak na bukod sa mabubusog ang kanilang mga anak ay nagiging malusog din ang mga ito at malayo sa mga pagkaing matataba, maalat at matatamis, na nakasasama sa kalusugan.

Sinabi naman ni Ofelia Panganiban, healthy food advocate at officer ng EcoWaste, na bawat bata ay karapat-dapat na bigyan ng masustansiyang baon na kinakailangan para sa kanilang paglaki.

Aniya, sa pamamagitan ng paghahanda ng masustansiyang baon para sa mga bata, ay mailalayo rin ng mga magulang ang mga anak sa mga pagkaing kulang sa nutrients at nagtataglay pa ng labis na taba, asin at asukal.

“Fostering healthy food choices will lead to healthy weight and lifestyle, while also preventing children’s  exposure to bacterial and chemical toxins in some food items,” aniya pa.

Inirekomenda pa ni Panganiban ang native delicacies tulad ng biko, puto, saging, cassava, mais, kamote at gabi, na gawing baon ng mga bata.

Maaari rin aniya ang mga homemade bread spread o jam na gawa sa saging, manga at papaya at mga root crops tulad ng ube at kamote, na mabiling mabili at mura pa.

Sa inumin naman ay mabuti aniya ang paggawa ng mga juice tulad ng kamias, sampalok, calamansi at iba pa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>