UMABOT na sa 136 aftershocks ang naitala makaraang yanigin ng magnitude 5.7 ang Carmen, Cotabato noong Sabado ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute on Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang nasabing aftershocks hanggang kaninang alas-10:00 ng umaga kung saan siyam sa mga ito ay malalakas at muli pang nakapagtala ng magnitude 5.7 kaninang alas-4:00 ng madaling-araw.
Ibinabala rin ni Phivolcs science research analyst John Lerry Decsimo na asahan pa ang mga malalakas na pagyanig sa mga susunod na oras.
Itinuturing na ang naturang paglindol ay ang pinakamalakas na paggalaw ng lupa sa naturang lugar.