DAHIL sa hindi maayos na pamamahala sa Christmas Night Bazaar noong Disyembre 2012 at pagkawala ng kanilang kumpyansa at tiwala sa kanilang kasalukuyang presidente, bumaba sa tungkulin ang mga opisyal ng isang local business group sa Marikina.
Pinili ng board ang makipagtulungan upang makagawa ng solusyon at patuloy na makapag-ugnayan sa LGU, samantalang mas pinili nina Francisco at Clarino ang makipagtalo.
Ayon sa minutes ng Special Meeting ng Board of Director ng PCCI-M,” after due deliberations on the foregoing issues, the Board unanimously passed and approved the following resolutions: Resolution No. 13-004 – Resolved, as it is hereby resolved that as further proof of the lack of its approval and complicity in the unauthorized acts of Pres. Ed Francisco and his appointee, Mr. Len Clarino, the following officers and members of the board of directors of the corporation are tendering their resignation as officers of the corporation and members of the board effective from the date hereof, as they no longer see it fit to be officers and members of this current business organization having lost their trust and confidence on its current President and management.”
“Dejavu! History repeated itself!,” mariing pahayag ni Anne Dumrique na nagsabing si Francisco bilang Chamber President noong 2002 ay mayroon ding hindi pagkakaunawaan sa board of directors na nauwi sa pag-alis sa tungkulin ng mga opisyal. Bukod dito, sa mahigit kalahating taon, ang Marikina Valley Chamber of Commerce sa mga panahong iyon ay hindi na patuloy na tumatakbo hanggang matapos ang termino ni Francisco.
Ang ibang institusyon ay kinakatawan ng regular na mga miyembro na may karapatang bomoto. Ilang propesyonal rin ang regular na miyembro. Ito rin ay mayroong humigit kumulang 300 rehistradong miyembrong kumpanya — na mayroong humigit 10 empleyado na kinakailangan maging miyembro alinsunod sa ordinansa ng lungsod tuwing renewal ng permit sa negosyo sa buwan ng Enero- ngunit walang karapatang bomoto, subalit maaari silang maging regular voting member.