SA loob mismo ng kanyang tindahan, pinagbabaril ang isang radio reporter sa Masbate kaninang umaga (Hunyo 2).
Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Michael Roielas, radio reporter correspondent ng Bantay Radyo Cebu.
Wala pang ideya ang awtoridad kung sino ang mga nagkasa ng pamamaril sa biktima pero isa sa sinisilip na motibo ay work related incident.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 8:15 ng umaga sa loob ng tindahan ng biktima sa may Pio V. Corpuz, Masbate.
Bago ito, dahil Linggo at walang pasok, ang biktima ang tumao sa kanilang tindahan nang biglang sumulpot ang mga armadong hindi nakikilalang kalalakihan at pinagbabaril ito bago tumakas sa kanilang motorsiklo.